Monday, March 03, 2008

Talo ang Purefoods


Hindi ko naman talaga team ang Purefoods dati. Nagustuhan ko lang sila ngayon dahil sa 2 ewn ko kung valid na rason...


Una: Team ni Jay ang Purefoods

Pangalawa: Andun si James Yap na asawa ni Kris Aquino. Hehehehe.


Babaw ba? Anyway, basta ngayon, kung tatanungin ako, Purefoods na ang team ko...


Natalo sila kahapon sa finals. Naging maganda naman yung finals series. Paano, bukod sa nasuspende dahil sa panununtok ang akala mong napakabait na si James Yap, umabot sa game 7 ang series na ito.


Kahapon nga, yung game 7. At yun, talo. Paano kasi, d pumutok si James Yap eh. Tapos puro pa sila foul trouble. O baka naman, naging magaling lang talaga kalaban nila, yung Sta. Lucia.


Ewan din..

No comments: