Tuesday, February 06, 2007

Pagpunta ni Jay sa Ilocos

Kagabi, umuwi si Jay papunta Ilocos. Dumating kasi ang tita niya from the States at dun nila sa Ilocos iremember ang death anniversary ng lola niya. 4 na araw siya mawawala, kayang talagang malungkot ako. Hindi pa naman kasi kami nagkakahiwalay ng ganung katagal eh. Ayaw ko kasi talaga. As much as possible, gusto ko at the end of the day, kasama ko siya. Gusto ko, when I wake up in the middle of the night, katabi ko siya. But for four nights, mawawala siya. Sigurado, I will miss him terribly. Actually, ngayon palang, I already do. Pag naiisip ko kasi na pagkatapos ng work, paguwi ko sa bahay, wala naman siya. Buti na nga lang hindi niya isinaman yung mga anak namin eh. Buti nlang, may sasalubong parin sa akin paguwi. Pero siyempre, iba parin kapag andun siya.Buti na rin lang, he surprised me with a teddy bear. Dati ko pa kasi gustong magkaron ng teddy bear. And now he gave me one. Para nga naman may yakap ako habang wala siya. Haaaay.Naku, ewan ba, good luck nalang sa akin ngayong linggong ito. Mahal, unuwi ka na dito....

No comments: