Monday, February 26, 2007

Mall of Asia

Nung Sabado, nagpunta kami sa Mall of Asia. Kasama ko si Jay at ang aking mga anak at pati narin si Mommy, Daddy at si Bunini. Maganda pala dun. Syempre alam na nating malaki yun diba? Nagustuhan ko ang pagpunta dahil maganda ang setup ng lugar. Sa labas ay marami ring mga shops at food stalls, tapos kita mo pa ang manila bay. Sa loob naman, maraming stores na pwedeng pamilihan at maraming amusement na pambata. Napakaraming kakainan, feeling ko tataba talaga ako kapag lagi akong mamamasyal dito.

Pagdating ng hapon, marami ng tao ang kumakain sa mga restos sa harap ng Manila Bay. Syempre ang dahilan, the world famous Manila Bay Sunset. Sayang lang hindi ko masyado nakuhanan ng maganda ang sunset, medyo malayo rin kasi sa bay eh. Pero maganda at masarap parin siya panoorin. Syempre lalo na kung kasama mo ang mahal mo sa buhay.



Hindi pa nagtatapos sa magandang sunset ang offer ng MOA. Pagdating ng alas-7, nagkaroon naman ng fireworks display! Ang saya, dahil sa harap talaga kami nakaupo at ramdam na ramdam mo ang putojk at kitang-kita mo ang ganda ng pagsabog ng mga kulay sa ulap. Kahit malayo ng konti, maganda talaga pumunta sa Mall of Asia.

No comments: