Nalaman ko ang series na ito dahil kay Lesley. Si Paula at si Lesley, ang aking mga kaibigang adik, or obsessed? sa hapon ay narinig ko minsang magusap tungkol dito. Actually, dpa napapanood ni Paula ito. Hindi kasi siya mahilig sa drama eh. But narinig ko na sinabi ni Les na maganda ang One Liter of Tears. Tapos nabasa ko sa blog ni Les ang synopsis ng istorya. Grabe, sa synopsis palang, naiyak na ako. Haha.
Kaya agad-agad kong sinubukang panoorin ang series sa Crunchyroll. True to what Les said, nakakaiyak talaga siya. Mukha na nga akong tanga kasi sa sala namin ako nanonood at iyak ako ng iyak. Sobrang love ko siya!!!!! 11 episodes lang siya at nasa episode 5 na ako. Yun nga lang...
Hindi ako magkaroon ng pagkakataon na tapusin ang One Liter of Tears. Wala kasi akong dvd nito, kaya sa internet ko lang pwede mapanood. Dahil naghigpit na sa opisina, hindi ako makapagstream dun. Kaya, yung oras ko nlang sa bahay ang natitira. Syempre, hindi naman ako pwede manood nlang ng palabas dahil may mga nak at asawa naman ako na dapat bigyang oras diba?
Minsan, 2 beses na nagkaroon ako dapat ng chance na manood nito. Wala kasi akong pasok at natutulog pa si Jay. Pero sa ewan ko bang dahilan, nagtopak sa parehong araw ang aming internet.. AAAAAAAARGH!!! Kagaya ngayon. Paputol-putol ang connection kaya pwede ako magpost but d ako pwede mg stream.... AAAAAAARGH talaga....
Nami-miss ko na si Ikeuchi Aya. Gusto ko ng umiyak....
2 comments:
magtatanong nga ako sa mga kaibigan ko kung sino may 1 litre of tears ... nakakaawa ka na e. haha
ako nga rin sisimulan ko na nga yan . . . dalawa n kayong ngsasabi n maganda sya
idownload mo na kasi yan sa torrents . . . hahahaha
Post a Comment