Wednesday, February 20, 2008

Ang Palpak kong Camera

Sa dko parin alam na kadahilanan, sira ang camera ko ngayon. Ewan ko ba dun.. bigla nalang pagkuha ko ng aking first picture sa Boracay, sira na siya. Overexposed ang dating nung picture, sobrang liwanag at halos walang image. Grabe. Halos maiyak ako sa bwisit. Nagdadabog na nga ako eh. D ako makapaniwala na bigla nalang siya masisira. Buti nlang talaga at nakabili na sina mommy ng camera. (At mas maganda pa camera nila).

Naiisip ko kung ano kaya ang mangyari sa akin kung ngkataon na walang camera sina mommy o kaya kami lang ni jay ang nagpunta. Naku. Sigurado sira na talaga ang bakasyon ko. I truly fear the thought.. Grabe.. Na dko macapture ang ganda at saya ng aming bakasyon... Haay...
Yun nga lang, d rin ako masyado nakakuha ng mga artistic shots.. paano kasi pinatamad ako ng clouds eh. Hindi kasi maganda ang colors dahil walang araw. Kaya ayun, puro mukha nalang namin ang pictures ko.

Ahehehe.

No comments: