Showing posts with label thoughts. Show all posts
Showing posts with label thoughts. Show all posts

Tuesday, August 11, 2009

Thoughts

Thoughts running through my mind right now:

1. I love my job. Thank you Lord, for leading me to this.
2. I have a happy life. Not perfect, but a life I would not trade with anyone my age I know. And what I have I wish for my friends. Lots of Love, joy and fulfillment.
3. I want to be loved by at least 10 people around me the way millions love Cory. Of course, I know that I have to try to be somehow like her to achieve this. And it is very difficult. I have not known myself to be saint-like.
4. Willie Revillame is abusing the love and fame that the Filipino mass is bestowing on him. Better straighten up his act, or all that he is enjoying will soon disappear. Bye bye luxuries.
5. Husbands and wives SHOULD really sleep and wake up together, every night/day if possible. It's the only way marriage SHOULD be lived. I'm gonna miss Jay when he goes back to his regular work schedule. Aaaargh.
6. I'm doing a shortcut with my blog - but bear with me, next time maybe I'll have something longer. Someting more profound. :)

Wednesday, April 09, 2008

Kung bakit hindi ko nakukuha ang mga gusto ko

Haaay. Nagsisisi ako ngayon.

Ewan ko ba, minsan kasi, pakiramdam ko, medyo mabagal ako mag-act sa mga gusto ko. Full of restraints kasi ako, lagi nlang iniisip na "wag nlang kaya". Kahit gustong-gusto ko na ang isang bagay, nagdadalawanng isip pa ako lagi, thinking na baka hindi naman dapat, or baka aksaya lang ng pera, or kung ano pang rason na pumipigil sa akin. Minsan, iniisip ko sa sarili ko na kung talagang para sa akin ang isang bagay, makukuh ako talaga yun. But hello. Alangan naman makita ko nalang sa cabinet ko ang isang blouse na dko naman binili, diba? Kailangan ko talagang kumilos.

Dahil nga ganun ako, marami akong napapalampas. At ngayon, ang talagang ikinalulungkot ko, ay yung pinalagpas kong P5000 fare ONLY for Asian destinations ng Cebu Pacific. Haaaaaaay.

Paulit-ulit kong binalikan ang website, paulit-ulit akong nagtry. Paulit-ulit din sinabi sa akin ng website na oo, limang libo lang, makakapunta ka na sa HK o sa Singapore.

E bakit hindi ko binili?!!!!!!

Napaka-hilig kong magtravel. Yun nga lang, hinid obvious dahil hindi naman ako masyadong nagtratravel. Dahil nga sa restraints ko.

Pagkakataon ko na sana yun noon. Pero pinalagpas ko na naman.

Hindi naman ako poor, may pera naman ako, e bakit hindi ko magsatos?!!!!!!

*In fairness to me, kapag nakapagdecide na ang utak at puso ko to go and get something, I will stop at almost nothing to get it. Yun nga lang, kahit na gustong-gusto na ng puso ko, minsan humihindi parin ang utak ko... :(

Friday, April 27, 2007

Overused Brain

Is there an effective way to rest the mind? Rest in such a way that I will be free from the hundred-thoughts-a-minute that run through my tired yet still very active brain.

As one OPM goes, "It doesnt matter where I am... Thoughts of you still linger in my mind, no matter what time of day..." I am not gonna continue with the stanza as my thoughts are not really focused on one person I am in love with ( not that I am not in love), but with anything and everything under the sun.

My brain activity is a barrage of thoughts varying from visions of my mansion, to plans for an outing, to fantasizing the new job for Jay, to computing budget for moving out, and though I dont like it, to names of the schedulers I transact with running through my mind as well.

Aaaargh!

I am now reminded of an experiment I learned in Psych, Restricted Environmental Stimulation Therapy (REST). It is a form of sensory deprivation wherein the volunteer is submerged in an isolation tank with salty water at skin temperature and is lightless and soundproof. Its aim is to deny the mind of any sensory stimuli and in effect cause relaxation.

I wonder if that will work for me. Will my mind be able to rest if I hear, see or feel nothing? I actually have doubts. Besides, even if it will be able to help me, where would I get that isolation tank? TSk Tsk. I am back to not having any solutions to my plight.

As the famous line of The Mask goes, please:

"Somebody stop me!"

Monday, April 02, 2007

Bunini


Siya si Bunini. Anak siya ng dati kong yaya, si Ate Thers. 20 taon kaming inalagaan ni Ate Thers. Naaalala ko pa na siya ang gumigising samin tuwing umaga para pumamsok sa iskwela, siya ang nagpapaligo, siya ang nagbibihis ( syempre nung mas bata pa kami), siya ang naghahanda ng aming almusal, ang nagluluto ng aming mga pagkain. May pagkataray si Ate Thers, pero mahal ko yun. Nung ako ay 20, umalis na siya sa amin at umuwi sa probinsya. Gusto na kasi niyang magkaanak. At di nga nagtagal, ipinanganak niya si Maria Trisha. Dindin ang kaniyang ipinalayaw sa kanya, at dahil iyon sa akin. Syempre diba, nakakatuwa naman na ipinagalan niya ang kanyang anak sa akin. ( Ngunit dahil ang hirap na 2 kaming Dindin sa bahay, Bunini nlang ang tawag sa kanya ngayon.) Nung ako ay ikakasal na nung ako ay 21, pinakiusapan siya ng aking mga magulang na bumalik sa amin. Pinagbigyan naman niya kami, at kasama niyang dumating si Bunini. Grabe, ang payat payat na ni Ate Thers nun, hindi kami halos makapaniwala. Yun pala ay dahil may sakit na siya. Dumating siya sa amin ng November, at nung Feb 25 (bday niya) ay pumanaw na siya. Di katagalan, nagpakamatay naman ang kaniyang asawa at naiwang ulila si Bunini.
Kaya kinuha siya ng aking mommy. Hindi legal ang pagampon sa kanya, pero inako na ni mommy ang responsibilidad sa pagpapalaki at pagaalaga sa munting bata (1 taon palang siya nun). Nung una, walang problema. Binibilhan si Bunini ng mga kailanganniya, inaalagaan siya, at masasabi ko ring, minamahal.
Pero iba na ata ngayon eh. Nung dunating si Andre sa bahay, nabalewala na si Bunini. Ay, mali pala ang balewala. Dahil ngayon, mas natuunan siya ng pansin, hindi nga lang magandang pansin. Lagi nlang siyang pinapagalitan, binubulyawan, pinapalo. Konting kibot, pagalit. Minsan, oo nga at makulit si Bunini. Pero sa palagay ko, naging ganun lang siya dahil natuto na siyang lumaban sa mga taong lagi siyang inaaway. Sa amin naman kasi ni Jay, hindi siya sumasagot, at lagi lang sumusunod.
Naawa na tuloy ako sa kanya. Wala na siyang magulang. At mukhang wala naring nagmamahal sa kanya. Pinipilit namin ni Jay na ibigay ang dapat na pagmamahal o atensyon na nararapat sa kanya, pero hindi sapat ang kaya naming ibigay. May 2 anak rin kami na dapat mahalin at pagbuhusan ng pansin. Tuwing naiisip ko tuloy ang kalagayan nung bata, naiiyak ako. Paano ang magiging buhay niya? Oo nga at may nakakain siya, may naisusuot na damit.. Pero yun lang ba ang kailangan ng isang bata?

Wednesday, March 21, 2007

Random Thoughts At The Office

Sabi nila, kapag magsulat ka raw sa isang journal, walang kailangang topic, walang kailangang flow.. Nirerecommend nga ng mga psychiatrists, para sa mag taong magulo ang isip, or kahit sa mag ataon lang na gusto ng deeper understanding sa sarili, na kumuha lang ng bolpen at papel, at magsulat ng magsulat ng kahit anu lamang na papasok sa kanilang utak.

Kaya ito ang gawin ko ngayon. Gusto ko kasi magsulat, pero wala naman akong maisip na topic. Kaya pagbigyan niyo na ako ngayon at ako ay dadaldal ng walang katuturan. Ano ba ang mga iniisip ko ngayon? Medyo marami, halo-halo, pero wala namang mabigat na isipin. Mga lakad at plano sa weekend, budget sa parating na sweldo (yehey), mga gusto kong bilhin ( mga dvds ng series ), mga outings na hindi matuloy-tuloy (officemates, family and honey), pasalubong sa anak ko, ang baby kong may sakit, ang baby kong makulit, at syempre ang mahal kong asawa.

Ang sarap kasi ng ganito, wala masyado ginagawa. Sa totoo lang, yung mga kasama ko, reklamo ng reklamo na walang trabaho, at nagagalit sila kapag may ibang gumagawa ng trabaho namin. Pero ako, keber ko ba kung walang trabaho! Masaya nga eh! May oras akong magmuni-muni, magsulat, maginternet, manood ng dvd... Magawa ang kahit anong gusto kong gawin.. Matulog nlang ata ang hindi ko pa nagagawa dito eh. Although sinabi naman ng boss namin na kapag puyat, o masama ang pakiramdam, magsabi lang at papayagan niyang umidlip sandali. O diba?

Yun nga lang, kapag wala akong ginagawa, minsan naiisip ko na sana nasa bahay nlang ako, kasi nandun ang pamilya ko eh... Pero syempre.. sabi ko nga, hindi man ako nagtratrabaho, kumikita pa rin naman ng pera eh. So konting tiis at tyaga nlang.

Thursday, March 15, 2007

If I Believe

If I believed in paradise
I'd swear I must be there
I'd swear I must be there right now with you
If I believed in miracles
I'd know that one was happening to me
But if I don't believe in paradise
Then miracles aren't real
Then someone tell me what is this I feel
I wanna believe it's love this time
I wanna believe my heart's not telling me a lie
But with you I can't deny
if I believed in paradise
I'd swear I'm there
If I believed in magic spells
It all would be so clear
'Cause magic spells must have brought you here
If I could see the future
I'd see if you and I were meant to be
But I dont know any magic
And tomorrow's just a dream
But something in this fantasy is real
I wanna believe it's love this time
I wanna believe my heart's not telling me a lie
I wanna believe it's love this time
I wanna believe my heart's not telling me a lie
But with you I cant deny
If I believed in paradise
I'd swear I'm there
I'm there
I'm there
If I believed.


I love this song.The song itself is not what is important, but the memories that it actually triggers. For one thing comes to mind when I hear this song from Patti Austin. The day I knew who I want to spend forever with.

I knew I love him even before, but on that fateful day, I learned what people mean when they say "you'll just know when he is the right one for you." There were no more doubts, questions, or fears. He is the guy for me. The guy I've been waiting for. The guy I would fulfill my dream of having a happy family with.

In retrospect, the time this song is bringing me back to is truly one of the most memorable experiences I've had. The place was not really beautiful, the food not great. But it made me see how I dont need to be in a beautiful place to be in paradise....

Tuesday, February 27, 2007

Kabwisit Ka

Nabwibwisit ako sa babae na ito. Galit ako sa kanya. Kilala niyo ba sya? Kung medyo nagtatago ka sa lungga at hindi nakakanood ng tv, basa ng radyo o d man lang nakikipagusap sa mga tao sa paligid, siya si Hope Centeno, di umanong babae ni James Yap. Hindi ko siya hiuhusgahan sa pagiging babae ni James di umano. Sakali mang totoo nga ang kanyang mga pinagsasasabi, kahit d man maganda, kaya kong unawain ang kanyang pagmamahal kay James. Kasalanan mang ituring ang umibig at makipagrelasyon sa isang may asawa, naiintindihan kong pwedeng mangyari yun kahit kanino. Kaya patawarin na natin siya doon. Totoo man o hindi.

Ang kaso, hindi lang naman yun ang kababuyang ginawa niya. May lakas ng loob pa siya na lumabas sa tv at mga dyaryo, ang magpainterview at isiwalat ang kung anu anong detalye sa siumanong relasyon nila ni James. Anong klaseng babe naman ang kailangan pang ibroadcast sa buong mundo ang mga bagay na dapat nga ay ikinahihiya na niya. Tama na ang nagkasala siya sa pagpatol kay James, pero ang manira pa talaga sa harap ng maraming tao ay sobra na. Sinasabi niyang kaya siya lumabas ay para ipagtanggol ang sarili niya sa paghuhusga. Sana alam lang niya na hindi siya kilala bago siya lumabaas. Walang huhusgahan dahil walang pangalan, walang mukha at walang taong naiuugnay sa nasabing problema ng magasawa. Natapos na san doon. Ngunit kailangan pa niya talagang kuhanin ang atensyon ng lahat at subuking magpasikat. Ayan, oo, sikat na siya. Pero hindi niya nakuha ang kagustuhan niyang malinis ang pangalan niya Dahil sa kanyang ginawa, mas nabwisit sa kanya ang tao, mas hinusgahan na siya. Tsk Tsk.

Nagagalit ako dahil asawa rin ako. Kung may tatangkang manira ng pagsasama namin gaya ng ginagawa nitong babaeng ito, talagang gera ito. Nagagalit ako dahil tao akong may puso. Kung magkasala man ako, hindi ko naman ipangangalandakan pa at ipamumukha sa mga taong sinaktan ko at mga taong walang pakialam. Magsisisi ako at mahihiya. Nagagalit ako dahil kawawa naman si Kris. Pagbigyan na natin siyang lumigaya. Everyone deserves to be happy. At nobody's expense.

Wednesday, February 21, 2007

Letters & Blogs

I am reading Sam's Letters to Jennifer by James Patterson right now, and I am just inspired to write many letters as well. There are so many thoughts that I want to express, feelings that I want to share, stories I want to tell. I have always been into letter writing. Since grade school, I would have a friend that I would be writing letters to everyday, even if we see each other daily as well. I guess there is something about writing that makes me feel good. The freedom that I get to express myself without interruption, the hope that your words will be read and understood by the recipient, the feeling that you are sharing yourself to someone. It makes me understand myself better, connect with someone, and to celebrate all the things, wonderful and bad, that is happening in my life. Living life is good. Actually feeling and reveling in it is much better.
So I should blog more often.
I think blogs are letters without specific recepients.
Blogs are my letters to the world.

Tuesday, February 13, 2007

Valentine's Day na Bukas!!!

It's Valentine's Day tomorrow... Hala! Hehe.. Ano kaya ang meron o mangyayari? Mula pa nung grade school ako, napaka-halaga kasi para sa akin ng araw na ito. Dati, nagbibigay ako ng mga cards sa aking mga friends. At kung may pera ako, miski regalo. Nakuha ko ata yun sa pagbabasa ng libro e, sa States kasi diba, namimigay sila ng "Valentines". Yung mga card nga ba, na ngsasabi sa pinagbigyan mo na mahalaga sila para sayo. Nung 2nd year high school nga ako eh, bingyan ko si Jay ng pillow. Medyo feeling close kasi ako sa kanya nun eh. Hehe. Feeling ko friends kami. Nagpupunta kasi siya sa bahay and naglalaro kami ng crosswords, paunahan ng hula sa kanta at sinong kumanta ( siyempre siya lagi ang panalo), at itinutulay ko kasi siya sa isang friend ko. Nakakatuwa kasi hanggang ngayon ay nasa kanya pa yung pillow. Ngayon, si Andre at si James na ang gumagamit.
Kaya ayun. Mahalaga nga sa akin ang Valentine. Ewan ba, siguro dahil sadyang romantic ako. yung tipong gusto ko sanang pumunta sa Lovapalooza, kaso ayaw ni Jay eh. Hehe. Wala naman akong ineexpect kung tutuusin. Iniisip ko sana na punta kami Baguio or Tagaytay, kaso hindi na tuloy yun, kaya ewan na. Oh well, kahit wala ako ineexpect, sana makapagplan rin kami talaga ng something. Kahit hindi bukas siguro. Basta ang mahalaga, maicelebrate namin, not ang Valentine's Day per se, but ang aming love. Hehe.