Monday, April 02, 2007

Bunini


Siya si Bunini. Anak siya ng dati kong yaya, si Ate Thers. 20 taon kaming inalagaan ni Ate Thers. Naaalala ko pa na siya ang gumigising samin tuwing umaga para pumamsok sa iskwela, siya ang nagpapaligo, siya ang nagbibihis ( syempre nung mas bata pa kami), siya ang naghahanda ng aming almusal, ang nagluluto ng aming mga pagkain. May pagkataray si Ate Thers, pero mahal ko yun. Nung ako ay 20, umalis na siya sa amin at umuwi sa probinsya. Gusto na kasi niyang magkaanak. At di nga nagtagal, ipinanganak niya si Maria Trisha. Dindin ang kaniyang ipinalayaw sa kanya, at dahil iyon sa akin. Syempre diba, nakakatuwa naman na ipinagalan niya ang kanyang anak sa akin. ( Ngunit dahil ang hirap na 2 kaming Dindin sa bahay, Bunini nlang ang tawag sa kanya ngayon.) Nung ako ay ikakasal na nung ako ay 21, pinakiusapan siya ng aking mga magulang na bumalik sa amin. Pinagbigyan naman niya kami, at kasama niyang dumating si Bunini. Grabe, ang payat payat na ni Ate Thers nun, hindi kami halos makapaniwala. Yun pala ay dahil may sakit na siya. Dumating siya sa amin ng November, at nung Feb 25 (bday niya) ay pumanaw na siya. Di katagalan, nagpakamatay naman ang kaniyang asawa at naiwang ulila si Bunini.
Kaya kinuha siya ng aking mommy. Hindi legal ang pagampon sa kanya, pero inako na ni mommy ang responsibilidad sa pagpapalaki at pagaalaga sa munting bata (1 taon palang siya nun). Nung una, walang problema. Binibilhan si Bunini ng mga kailanganniya, inaalagaan siya, at masasabi ko ring, minamahal.
Pero iba na ata ngayon eh. Nung dunating si Andre sa bahay, nabalewala na si Bunini. Ay, mali pala ang balewala. Dahil ngayon, mas natuunan siya ng pansin, hindi nga lang magandang pansin. Lagi nlang siyang pinapagalitan, binubulyawan, pinapalo. Konting kibot, pagalit. Minsan, oo nga at makulit si Bunini. Pero sa palagay ko, naging ganun lang siya dahil natuto na siyang lumaban sa mga taong lagi siyang inaaway. Sa amin naman kasi ni Jay, hindi siya sumasagot, at lagi lang sumusunod.
Naawa na tuloy ako sa kanya. Wala na siyang magulang. At mukhang wala naring nagmamahal sa kanya. Pinipilit namin ni Jay na ibigay ang dapat na pagmamahal o atensyon na nararapat sa kanya, pero hindi sapat ang kaya naming ibigay. May 2 anak rin kami na dapat mahalin at pagbuhusan ng pansin. Tuwing naiisip ko tuloy ang kalagayan nung bata, naiiyak ako. Paano ang magiging buhay niya? Oo nga at may nakakain siya, may naisusuot na damit.. Pero yun lang ba ang kailangan ng isang bata?

No comments: