Haaay. Nagsisisi ako ngayon.
Ewan ko ba, minsan kasi, pakiramdam ko, medyo mabagal ako mag-act sa mga gusto ko. Full of restraints kasi ako, lagi nlang iniisip na "wag nlang kaya". Kahit gustong-gusto ko na ang isang bagay, nagdadalawanng isip pa ako lagi, thinking na baka hindi naman dapat, or baka aksaya lang ng pera, or kung ano pang rason na pumipigil sa akin. Minsan, iniisip ko sa sarili ko na kung talagang para sa akin ang isang bagay, makukuh ako talaga yun. But hello. Alangan naman makita ko nalang sa cabinet ko ang isang blouse na dko naman binili, diba? Kailangan ko talagang kumilos.
Dahil nga ganun ako, marami akong napapalampas. At ngayon, ang talagang ikinalulungkot ko, ay yung pinalagpas kong P5000 fare ONLY for Asian destinations ng Cebu Pacific. Haaaaaaay.
Paulit-ulit kong binalikan ang website, paulit-ulit akong nagtry. Paulit-ulit din sinabi sa akin ng website na oo, limang libo lang, makakapunta ka na sa HK o sa Singapore.
E bakit hindi ko binili?!!!!!!
Napaka-hilig kong magtravel. Yun nga lang, hinid obvious dahil hindi naman ako masyadong nagtratravel. Dahil nga sa restraints ko.
Pagkakataon ko na sana yun noon. Pero pinalagpas ko na naman.
Hindi naman ako poor, may pera naman ako, e bakit hindi ko magsatos?!!!!!!
*In fairness to me, kapag nakapagdecide na ang utak at puso ko to go and get something, I will stop at almost nothing to get it. Yun nga lang, kahit na gustong-gusto na ng puso ko, minsan humihindi parin ang utak ko... :(
1 comment:
oo nga, sayang ung promo non sa Cebu Pacific. sa case naman namin -ung mga kasama namin ang mabagal. sayang talaga yun. hay, sana magkaron ulit nun
Post a Comment