Nabwibwisit ako sa babae na ito. Galit ako sa kanya. Kilala niyo ba sya? Kung medyo nagtatago ka sa lungga at hindi nakakanood ng tv, basa ng radyo o d man lang nakikipagusap sa mga tao sa paligid, siya si Hope Centeno, di umanong babae ni James Yap. Hindi ko siya hiuhusgahan sa pagiging babae ni James di umano. Sakali mang totoo nga ang kanyang mga pinagsasasabi, kahit d man maganda, kaya kong unawain ang kanyang pagmamahal kay James. Kasalanan mang ituring ang umibig at makipagrelasyon sa isang may asawa, naiintindihan kong pwedeng mangyari yun kahit kanino. Kaya patawarin na natin siya doon. Totoo man o hindi.
Ang kaso, hindi lang naman yun ang kababuyang ginawa niya. May lakas ng loob pa siya na lumabas sa tv at mga dyaryo, ang magpainterview at isiwalat ang kung anu anong detalye sa siumanong relasyon nila ni James. Anong klaseng babe naman ang kailangan pang ibroadcast sa buong mundo ang mga bagay na dapat nga ay ikinahihiya na niya. Tama na ang nagkasala siya sa pagpatol kay James, pero ang manira pa talaga sa harap ng maraming tao ay sobra na. Sinasabi niyang kaya siya lumabas ay para ipagtanggol ang sarili niya sa paghuhusga. Sana alam lang niya na hindi siya kilala bago siya lumabaas. Walang huhusgahan dahil walang pangalan, walang mukha at walang taong naiuugnay sa nasabing problema ng magasawa. Natapos na san doon. Ngunit kailangan pa niya talagang kuhanin ang atensyon ng lahat at subuking magpasikat. Ayan, oo, sikat na siya. Pero hindi niya nakuha ang kagustuhan niyang malinis ang pangalan niya Dahil sa kanyang ginawa, mas nabwisit sa kanya ang tao, mas hinusgahan na siya. Tsk Tsk.
Nagagalit ako dahil asawa rin ako. Kung may tatangkang manira ng pagsasama namin gaya ng ginagawa nitong babaeng ito, talagang gera ito. Nagagalit ako dahil tao akong may puso. Kung magkasala man ako, hindi ko naman ipangangalandakan pa at ipamumukha sa mga taong sinaktan ko at mga taong walang pakialam. Magsisisi ako at mahihiya. Nagagalit ako dahil kawawa naman si Kris. Pagbigyan na natin siyang lumigaya. Everyone deserves to be happy. At nobody's expense.