Tuesday, February 06, 2007

Lesley's Despedida



Nung Sunday, we had a despedida for Les. Alis na kasi siya papunta siyang Singapore. Dun na siya magpapayaman. Haha. Kaming apat na magbabarkada nung highschool at si Borj ang lumabas. Dapat kasama namin si Jay, but for some reason, hindi siya nakasama. So kami nalang napunta. Sa Seaside palutuan kami nagpunta.



Masarap dun! Mamalengke ka, tapos ipapaluto mo. Mura lang lumalabas ang food. Sabi nila, pinakamasarap daw sa GSquared kaya yung family ko dun lagi kumakain kaya dun rin kami kumain. Nagpaluto kame ng buttered crab, sinigang na hipon at sizzling pusit. Sarap! Hhhmmmm!


We wanted more, but dahil 5 lang nman kame, un nlang. Masaya sa Seaside kasi yung environment niya, masarap talaga makipagkwentuhan. It is a great place to meet up with friends, have reunions, or simply to have a feast.



Masaya ako na malungot nung gabing yun. Masaya dahil masaya naman talaga kasama yung mmga friends ko eh. Masarap pa sila kasama kumain kasi ang tatakaw. Hehe. Malungot siyempre because of what we are celebrating. After our sumptious dinner, nagpunta kami sa Metrowalk to have dessert.
Dapat sana Ice Monster, but wala na pala. SO Icebergs nlang. Medyo disappointed ako kasi sobrang asim na nung mango con hielo nila. Hindi ko nga naubos eh. Sayang. Natuwa kami sa Metrowalk kasi may naglalaro nung parang rodeo thingie. You have to stay on a automated bull for 80 seconds on 1 hand. Medyo magalaw yung bull kaya mahirap. Nakakatuwa siyang panoorin kasi mukhang tanga yung ibang sumasakay, at masarap namang icheer yung ibang magaling. Meron nga ding basketball challenge, wherein you have to shoot 8 balls in 25 seconds, free throw distance. Sayang, dahil kung kasama namin si Jay, e di sana nanalo na kame ng stuff toy. I think sobrang dali lang nun for him e.

We went home around 11pm, may pasok pa kasi ako kinabukasan e. Sayang, sana madami pa ang ganoong mga outings. Sigurado ma-mi-miss ko si Les, at dahil wala si Les, malamang hindi na kami ganung magkita ng barkada... So, mamimiss ko rin sila...










No comments: