Monday, March 05, 2007

Sana Nasa Tabi Mo Ako....

Malungkot ako ngayon... Kasi wala ako sa bahay para maalagaan ang mahal ko... Alam ko kailangan niya ako ngayon... Alam ko dapat nasa bahay ako ngayon... Pero andito ako ngayon sa trabaho, walang magawa para sa mahal kong may sakit...
Ang hirap kapag may gusto kang gawin at kumukontra ito sa kailangan mong gawin. Ang hirap kapag napipilitan kang gawin ang isang bagay, kapag meron kang mas gustong gawin. Pero sa tingin ko , pinakamahirap kapag may hinihingi sa yo ang mahal mo at hindi mo maibigay... Ang hirap kapag kailangan ka niya pero wala ka...

No comments: