Nung January, nagkaron kami ng increase kasabay ng pagiging CSP 2 namin. Hay naku, medyo matagal-tagal din naming hinintay yun dahil ang una naming akala e June 07 palang makuha na namin yun. Pero ayun, January siya dumating. Okay naman, hindi na ako magrereklamo dun dahil masaya naman ako sa naging pagtaas ng sweldo ko.
Ngayong March, may inaasahan na naman kaming increase. Annual Merit Increase kung saan 10-15% ang pwede itaas ng aming sweldo.
Yipee!!! Tataas na naman ang sweldo! Ang saya! Bukas, may meeting nga kami para daw idiscuss ng HR ang merit increase na ito. 1 hr and 30 mins ang meeting, kaya medyo nakakapagtaka. Bakit naman ang haba, eh kung merit increase lang yun, simple lang naman yun eh. Last year nga raw, pinapirma lang sila eh.
Isip, at wish tuloy namin, baka at sana kaya mahaba yun ay dahil pag-uusapan din yung isang kumakalat na bali-balita dito sa amin ngayon. Sabi daw kasi, bukod sa inaasahan naming merit increase, magkakarin daw ng realignment. Sa mga chika-chika, baka raw ipantay ang aming mga sweldo at benefits sa Pilipinas Shell, tutal, pareho kaming SHELL.
Kapag ngkatotoo yun... Naku! Napakasaya!
Sa ngayon, sabi ng mga reliable sources naman, sigurado na raw na mgakakroon. Ang hindi lang alam ay kung ano ang mga exact details. Like magkano, ano ang mga additional benefits, kelan...
Haaaay.. Sana ok... Para masaya... :)
1 comment:
Dyanne, excite na rin ako! Bukas malalaman na rin natin - sana yung magandang balita, eh yung iniisip nating magandang balita ^_^
Post a Comment