Tuesday, March 04, 2008

Proms and Grad Balls

Maaring di maiintindihan ng mga taong nag-aral sa co-ed schools, pero para sa mga nag-aral sa exclusive schools nung high school, sobrang kakaiba at monumental na event ang prom..

Mga dahilan:

1. Sa isang magarbong hotel ginaganap ang prom: Manila Hotel, Shangri-la Makati, Peninsula...

2. Todo preparations- Meron naman ibang hindi, but most of us had to have our hair and makeup done sa parlor, dresses bought, all guys wear suits, girls buy boutonniere (flowers worn on their chest) for boys, boys buy corsage (flowers worn on the wrists) for girls & better cars borrowed from parents (those who are richer get to bring their own)...

3. Gimik after- Kadalasan, we go to gimiks after the prom.. Medyo nakakahiya na we're all dressed-up, but it adds up to the fun naman...

4. Asking for a date - Dahil exclusive schools nga kami, hindi kami pwede pag-partner partnerin para sa prom. So ang nangyayari, we ask for dates. Ito na ang pagkakataon ng mga babaing may lakas ng loob na yayain ang kanilang mga crush... at yung walang lakas ng loob, or yun mga wala naman talagang mga crush, mga pinsan, kaibigan, o blind date ang dala.

5. Being asked to be a date - At dahil meron din namang exclusive boys schools, kailangan din nilang mag-imbita ng kanilang mga dates. Syempre, very flattering, at kung gusto mo yung guy: nakakakilig naman ang maimbitihan para maging date sa prom. I was invited sa Ateneo prom both my 3rd and 4th yr and somehow, medyo mas nag-enjoy pa ata ako sa prom nila kasi sa prom namin...

Here is a glimpse of my prom experiences:


Ateneo Juniors Prom '99, Shangri-La Makati.
Date: Ian Puertollano, a friend, a daily ka-telebabad, not sure if he liked me romantically, I thought he did (feeling! :) ), but nung 4th yr, I learned na si Les pala ang gusto niya... Hahahaha. Well, that time akala ko naman nga like niya ako kaya medyo super kilig factor nung prom. Hahaha.


Miriam Juniors Prom '99, Peninsula Manila.
Date: Ninoy (forgot his last name), classmate ni Ian (their class and ours had an interaction kaya friend-friends kunwari kami).. Dapat ata si Ian talaga ang ka-date ko, kasi siya naman ang closest sakin that time, but I think hindi ata siya pinayagan or something...So, go for the 2nd choice..


Ateneo Grad Ball '00, Manila Hotel
Date: Cannot recall his name. Haha, sorry... Classmate ng pinsan ni Bang, na naging date ni Pili. Bang was also there with another classmate kaya magkakasama kami sa 1 table at nung gimik after. May gf naman itong guy na ito, d lang pwede yung gf niya kaya ako nlang. Kaya wala namang kilig factor.


Miriam Grad Ball '00, Manila Hotel
Date: Lesley, bestfriend... Medyo ngasawa na siguro ako sa mga padate-date na yan, kaya went with my friends nlang. hehe. Saka we were thinking ata na dahil we will be graduating soon, ay spend nalang namin tong Grad Ball with one another. Aargh. Ayoko ng itsura ko dito, almost did not want to post this... Hehe..

No comments: