Wednesday, June 06, 2007

Reklamo

Nakakaantok.

Ang hirap talaga kapag kailangan mong gumising ng alas-4 ng umaga.
Ang hirap magtrabaho kapag gusto mo lang matulog o magbabad sa iyong kama.

May bago ba? E mahirap naman talaga kumita ng pera.
O mahirap talagang magpaka-kuntento at mawalan ng reklamo sa buhay?

Siguro yung pangalawa. Tama na nga, hindi na ako magrereklamo. Tutal naman, mahal ko naman ang trabaho ko, ang mga katrabaho ko, at ang pinagtratrabahuhan ko.

E bakit kaya may reklamo pa rin ako? Kasi nga siguro, mahirap makuntento.

No comments: