Tuesday, April 29, 2008
Busy Weekend
Thursday, April 24, 2008
Magical Ball
1. Longer life for Tatay, no suffering.
2. Be able to go to Singapore to visit Les.
3. Day job, with same or higher sweldo for Jay - para d naman niya ako iniiwan at 930pm.
4. Pearl farm Beach resort in Davao, or any resort in Palawan.
5. More photo ops.
6. Higher pay - syempre.
7. Lotto nlang kaya? Kahit magakano, basta milyon! :)
8. Mabawasan ang kulit ng mga anak ko - minsan nakakastress eh.
9. Jay and I's own house - in the right time siguro.
10. Continuous basketball "career" for Jay - masaya manood eh.
Tuesday, April 22, 2008
It's Finally Mine
Paid Les through the bank yesterday... And I now have a new (well, not so new..hehe) camera!
Sabi ni Jay, teka, tama ba? Basta something like ipupukpok niya sa akin yung camera kung hindi ko ipagpapatuloy ang aking hobby at hindi gamitin ng husto ang cam. Hehehehe. Syempre joke naman yun. :)
Anyway, sana nga magtuloy-tuloy na ang pagdevelop ko sa photography. So far, I am pleased with the differences in my photos. Factors include: good camera, editing skills learned, and a renewed passion for the art. Good.
Isa pang difference na napansin ko lately, and I soooo like it, is that my world is a lot more beautiful now. Promise, ngayon, whenever I look at things, or at sceneries, mas naaappreciate ko ang beauty, kasi nakikita ko lahat as possible photo shots.
And it's nice. Really nice.
Last night, I felt it all again...
In the dream, I just met Jay again and it made me feel all the giddy feelings when you are just falling in love...
I remembered how thrilled I am at his every text message, how my stomach fluttered at the mere sight of him, and how my insides would all turn to mush whenever he would talk to me.
Haaaaaay. For those who are yet to fall in love, you're missing a lot.
Anyway, it's good to remember the feeling. Thank God for dreams.
Monday, April 21, 2008
I need to unwind
So I am now to start the week with a heavy heart and a haeavy workload. I need some uplifting!!!!!!
Jay, wink wink. Haha.
Friday, April 18, 2008
*%$#*@!!!! Mabuhay Miles
Kalokohan pala. Sa maga sanay magbook ng fligts, alam nating mas mahal ang surcharges at taxes kesa sa airfare. Papuntang Kalibo for example:
2 way
Airfare: P576
Fuel & Surcharge : P3290
So ibig sabihin, after kong magspend ng P360,000 to accumulate the 8000 miles for a roundtrip sa Kalibo, ang matitipid ko lang pala is a lousy P576! Buti sana kung 1000 nlang ang babayaran ko. BUt no. I have to pay P3290.
So, anong kalokohan to?! Grabe, for a time, nauto ako nitong Mabuhay Miles na ito.
Stupid.
*in fairness to the Mabuhay Miles, medyo okay naman siya for international flights... (pero mas mura parin nung ng promo ang Cebu Pacific) Kaso hindi ko naman kasi siya plano gamitin for international dapat eh. Grrrrrrr.*
Monday, April 14, 2008
Weekend's Result
Natalo nung Saturday, nanalo nung Sunday.. Both days Jay was spectacular. Hehehe.
I'm his #1 fan.
Friday, April 11, 2008
Ang Tawag Ni Daddy
Daddy: "Kelan ang uwi niyo?"
Dy: "Sa Sat, bakit?"
Daddy: "Crucial game sa kasi yung sa Saturday, 630 pm, kapag nanalo sila, pasok
na sa semis. Kailangan maglaro ni Jay."
Ganun. Nakakatuwa. Kasi after almost 2 years na hindi naglalaro si Jay ng basketball (dati ay member siya ng Intertown team ng Pagsanjan, kaso wala na ngayong Intertown games eh), nabuhay ulit ang basketball sa buhay naming pamilya. Lahat kami nanonood at nagchee-cheer. Daddy, Mommy, mga kapatid ko at syempre pati sina Andre at James.
Maliit na liga lang ito actually, pero mahalaga siya sa mga sumusunod na dahilan:
1. Naglalaro rin si Tobby at si Jen (bf ni Lucky)
2. Ngayon ko lang ulit mapanood si Jay maglaro after 2 years.
3. Nakakintindi na mga babies ko sa pinapanood nilang basketball.
4. Superstar si Jay. Hehe. (Bawasan lang ang hapo!!!!!)
Oh well, good luck sa inyo Mahal, galingan niyo.. Excited na ulit ako manood... :)
Wednesday, April 09, 2008
Kung bakit hindi ko nakukuha ang mga gusto ko
Ewan ko ba, minsan kasi, pakiramdam ko, medyo mabagal ako mag-act sa mga gusto ko. Full of restraints kasi ako, lagi nlang iniisip na "wag nlang kaya". Kahit gustong-gusto ko na ang isang bagay, nagdadalawanng isip pa ako lagi, thinking na baka hindi naman dapat, or baka aksaya lang ng pera, or kung ano pang rason na pumipigil sa akin. Minsan, iniisip ko sa sarili ko na kung talagang para sa akin ang isang bagay, makukuh ako talaga yun. But hello. Alangan naman makita ko nalang sa cabinet ko ang isang blouse na dko naman binili, diba? Kailangan ko talagang kumilos.
Dahil nga ganun ako, marami akong napapalampas. At ngayon, ang talagang ikinalulungkot ko, ay yung pinalagpas kong P5000 fare ONLY for Asian destinations ng Cebu Pacific. Haaaaaaay.
Paulit-ulit kong binalikan ang website, paulit-ulit akong nagtry. Paulit-ulit din sinabi sa akin ng website na oo, limang libo lang, makakapunta ka na sa HK o sa Singapore.
E bakit hindi ko binili?!!!!!!
Napaka-hilig kong magtravel. Yun nga lang, hinid obvious dahil hindi naman ako masyadong nagtratravel. Dahil nga sa restraints ko.
Pagkakataon ko na sana yun noon. Pero pinalagpas ko na naman.
Hindi naman ako poor, may pera naman ako, e bakit hindi ko magsatos?!!!!!!
*In fairness to me, kapag nakapagdecide na ang utak at puso ko to go and get something, I will stop at almost nothing to get it. Yun nga lang, kahit na gustong-gusto na ng puso ko, minsan humihindi parin ang utak ko... :(
Happy Birthday
Tuesday, April 08, 2008
My Favorite Subject
Thursday, April 03, 2008
Wednesday, April 02, 2008
Fujifilm Finepix S9500
I'm sooooo excited!!!!
I have this weekend to try out Les's camera, at SAAAAAANA makakuha ako ng magagandang pictures... Ang trial na ito ang mgdedetermine kung dapat o d dapat kong bilhin ang camera na ito. ( Salamat Les sa chance, and wish me luck!!! :) )
I have downloaded na the manuals, tried to do some researches, sana lang ay maiapply ko ang lahat ng mga ito....
BTW, binabasa ko ngayon ang Bestseller na "The Secret". According to the book:
"Everything that's coming into your life, you are attracting into your life. And it's attracted to you by virtue of the images you're holding in your mind. It's what you're thinking. Whatever is going on in your mind, you are attracting to you."
Kaya ngayon, puro thoughts of beautiful photos, and thoughts of the camera ang iniisip ko. Para maattract ko ang talent of photography sa buhay ko.
Kapag nagwork, I will fill my mind with thoughts of winning Lotto... Hahahaha. More on the book some other time.
For my visualization, here are some BEAUTIFUL (bow!) photos taken by my friends:
Photos by: Migs Medina
Photos by: Les Magno