Sira ang camera ko ngayon. For reasons I dont know, bigla nlang ayaw niyang magnukas para kumuha ng pictures. Pwede kong tignan ang mga pictures na nakuha ko na dati, pero tuwing bubuksan ko ang lens, tutunog siya ng kakaiba at biglang magsasara. Weird dahil nung Friday ay nagamit ko pa siya para kumuha ng litrato ng baby ni Pili. Hindi ko siya naibagsak, hindi siya nabasa, at walang kahit anong nangyaring kakaiba sa kanya. Pero nung Sabado, hindi ko na nga siya magamit.
Hindi ko masyado maintindihan ang nararamdaman ko. Nung una ay naupset ako. Sumama ang loob ko dahil nasira ang camera ko. Nagtaka rin ako dahil wala naman ngang nangyaring kakaiba sa kanya. Pero hindi ako nakaramdam ng kaba. Hanggang ngayon, panatag naman ang aking loob. Tinanong nga sa akin ng asawa ko kung natatakot o kinakabahan ba ako sa maaring maging gastos o hindi na pagkakagawa ng camera ko. Ang sabi ko, oo ngat hinihiling ko na sana walang gastos, pero hindi naman ako kinakabahan. Ang sinabi kong dahilan:
"Do not be anxious about anything, but everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God" Philippians 4:6
Hindi masyadong naniniwala si Jay dito. Ngayon, ang aking hiling ay sana, maimpluwensyahan siya ng aking faith. Sana, pareho kaming maniwala. Naniniwala kasi akong ang aming pananamapalataya ang mgadadala sa amin sa aming mga pangarap. Kung wala nun, baka wala kaming marating....
No comments:
Post a Comment