Wednesday, January 31, 2007
In response to your March 23, 2006 post
*dy & les 1999 * dy & les 2006
nung una kong nabasa yung post mo 10 months ago, naiyak ako... at nung nabasa ko ulit siya ngayon, naiiyak na naman ako...
tama ka naman kasi eh... matagal na nga tayong magkaibigan.marami na tayong napagsamahan...tinanong mo sa akin kung naalala ko yung mga nangyari nun... oo, naaalala ko lahat ng yun at marami pang iba. naalala ko yung pagsama mo samin sa pagsanjan isang christmas break... diba nga, may hand signals pa tayo nung panahong yun? naaalala mo pa ba yun? ako ay may ilan pang alam, tulad ng sa cute, pangit, naiiyak ako, uwi na tayo... naaalala ko rin yung pagpunta natin sa puerto galera. napakasaya ko nun, isa yun sa mga pinakamasayang adventures ko.
les & dy at big la laguna puerto galera
e yung nagpunta tayo sa Tagaytay? Kuna paanong naligaw pa tayo at inabot ng anim na oras bago makarating. naaalala ko rin kung paano tayo magtelebabad nun... hehe, grabe noh, inaabot tayo madaling araw... at ang mga sulat!!!! hindi talaga pwedeng pumasok ng walang dalang sulat. siguro ganun talaga tayo ka-connected nun. napagsasaluhan natin ang bawat damdamin at isipin ng isa't isa..
on one of our sleepovers photo op at school
kaya nalungkot talaga ako nung nagkahiwalay tayo ng landas nung college. sobrang nanghinayang ako na hindi na tayo magaksama, dahil alam kong maapektohan ang pagkakaibigan natin. tama yun sa isang banda. dahil hindi na nga tayo madalas magkausap, natigil ang sulatan, hindi na tayo masyado nagkikita. akala ko nawala na ang ating pagkakaibigan. pero sa isa pang banda, kahit may mga dumating na bagong kaibigan, may mga nakasama sa bagong buhay, kahit hindi na tayo nagkakasama, walang nakapantay sa pinagsamahan nating dalawa. hindi dahil hindi tayo nagkita o nagkausap ibgi sabihin hindi ko hinanap ang ating samahan.
kaya sobrang saya ko nung 2006 ng biglang nabuhay ulit ang ating pagkakaibigan. bumalik ang emails, paminsan-minsang tawag, pagkikita, pagoovernights. masayang- masaya ako na nagbalik na ang aking kaibigan. meron na ulit akong nakakausap kapag nababagot ako sa opisina, o kapag hindi ako sigurado sa takbo ng trabaho o buhay ko, o kapag gusto ko lang magkwento. meron na akong nayayayang magsine kapag hindi gusto ni jay yung palabas na gusto ko. ang dame ko pa naman plano para sa atin . gusto ko makapunta tayo sa iba't ibang lugar. yung magaganda para makapagpicture tayo. gusto ko makilala ang bago mong magiging boyfriend, at makilala rin siya ni jay para sabay tayong lalabas. gusto ko sana maging magkatrabaho tayo, para araw-araw kitang nakakausap.
dy & les at james's bday dy & les at pili's wedding
ngunit ngayon...
aalis ka na naman. alam ko meron namang email at ym, pero iba parin yung nakakasama mo talaga ng kaibigan mo diba? ni hindi man lang kita makasama magpicture-picture.ang laki pa naman ng impluwensysa mo sa pagkahilig ko sa photography. nalulungkot talaga ako sobra. ibinalik ka sa akin, pero babawiin uli... ung selfish na ako, nagwiwish na sana bumalik ka at dito nalang matrabaho.. pero yung friend mo in me, wishes the best for you, at maaring yun ay ang makahanap ka na ng trabaho sa Singapore at magpayaman sa ibang bansa.
ang aking dasal na lang, ay sana, kahit malayo tayo, ay wag na nating mapabayaan ang ating pagkakaibigan. sana kahit hindi tayo magkasama physically, sa ating puso't isipan, meron pa rin tayong isang magandang pagkakaibigan. pwede naman yun diba?
sana. sana.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
isa lang masasabi ko ... friends for layf! hehe
di ko maalala ang hand signals. refresh mo memory ko!
like yung nakahawak sa tenga means cute...
nakahawak sa leeg means pangit...
yung parang naglalatag ng kunot means uwi na tayo
nagroroll ng tissue is nakakaiyak...
i cant really remember yung alphabet, diba meron pa yun?
oo meron sa alphabet pero nakalimutan ko na talaga... amnesia!
Post a Comment