Tuesday, September 23, 2008

100 Peso Airfare to Kalibo



Ilan beses ko narin ito sinubukan. Sa bawat promo ng Cebu Pacific, titignan ko, pagiisipan, at kadalasan, palalampasin. Lagi kong gustong umalis, pero lagi ko rin napipigilan ang sarili ko. At sa mga pagkakataong yun, kadalasan, nanghihinayang ako.

Pero nung Friday, hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Dahil napakaganda ng promo, I grabbed the opportunity and took a chance. Kumuha ako ng ticket para samin ni Jay papunta Kalibo. At kung titignan mo yung binilugan kong amount, oo, 400 pesos lang yan. Para sa roundtrip naming dalawa. Wala ng tax and additional surcharges. . O diba? Sobrang mura.

Matagal nga lang ang pagitan, magstay kami dun for a total of 5 nights. Okay yun, kasi meron kaming free accomodation for 2 nights. Nakuha namin yun nung nakining kami sa presentation ng timesharing promo ng isang hotel. Hindi kami bumili ng shares, but we got the free accomodation gift. Astig diba?

Marami nagsasabi bakit Bora ulit, eh we've been there na. Ang mga sagot: 1. dun yung libreng accomodation, 2. dun mura ang accomodation 3. and i just love the place.

So, ginive-up ko muna yung desire ko na sa Pearl Farm mag-anniversary. Dito nlang ulit Bora, para mas mahaba. After all, what we need is the special time together, additional bonus na lang yung ganda ng lugar. :)

Sana na lang talaga, wala namang bagyo ng mga panahon na yun...

2 comments:

pawdough said...

Amazing! ang mura lng!

pawdough said...

Amazing! ang mura lng!