Nung bata pa ako, naaala ko na napakahilig kong maglaro ng titser-titseran. Bukod sa mga record books, nagpagawa pa kami ng blackboards na ginagamit namin sa aming kunwaring pagtuturo.
Nung ako ay nasa high school, batid parin ang aking hilig sa pagtuturo. Ako ay minsan napiling maging teacher for a day noong aming Teacher's Day, at talagang tuwang- tuwa ako sa pagtuturo ng Biology, pagiging Homeroom Adviser, at isang Guidance Counselor ng isang buong araw.
Ngayon, muli kong isinasabuhay ang aking munting pangarap na maging isang teacher. Sa pagtitiwala ng aming Operations Supervisor, napili akong magtrain sa mga bagong papasok sa Orders. Tuwang tuwa ako dahil una: napagkatiwalaan ako sa napakalaking responsibilidad na ito; pangalawa: napahinga ako sa aking regular na trabaho at pangatlo: talagang gusto ko ang pagtuturo.
Sa aking Op Sup, salamat sa tiwala. Sa Panginoon, salamat sa oportunidad. Sa aking mga trainees, salamat sa pagtiyaga.
No comments:
Post a Comment