by Prof. Ryan Cayabyab
1. Ang buhay ay parang IKOT
jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya
ring iyong pinanggalingan.
2. U.P. lang ang may TOKI, sa buhay
wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung
nais mong pabaligtad ang takbo ng
buhay mo.
3. Sa IKOT, pwede kang magkamali ng
baba kahit ilang beses, sasakay ka
lang uli. Sa buhay, kapag paikot-ikot
ka na at laging mali pa rin ang iyong
baba, naku, may sayad ka.
4. Sa U.P., lahat tayo magaling.
Aminin nating lahat na tayo'y
magagaling. Ang problema dun, lahat
tayo magaling!
5. Kung sa U.P. ay sipsip ka na,
siguradong paglabas mo, sipsip ka pa
rin.
6. Sa U.P., tulad sa buhay, ang babae
at ang lalake, at lahat ng nasa gitna,
ay patas, walang pinagkaiba sa dunong,
sa talino, sa pagmamalasakit, sa
kalawakan ng isipan, sa pag-iibigan;
at kahit na rin sa kabaliwan, sa
kalokohan at sa katarantaduhan.
At ang panghuli:
7. Sa U.P. tulad sa buhay, bawal ang
overstaying.
*by Prof. Ryan Cayabyab
from the Commencement speech given on
April 24, 2005 before the Class of
2005, UP Diliman, Quezon City
No comments:
Post a Comment